
Hindi naiwasan ni Daddy Bae na mapa-react dahil sa pahayag ni Alden Richards kung sasali na rin ang Kapuso actor sa online craze na TikTok.
Kahapon, April 29 ay nag-live sa Instagram si Alden. Ibinahagi niya rito ang kanyang mga plano kabilang na ang kanyang pag-iisip kung papasukin na rin niya ang pagti-TikTok.
Aniya, “TikTok? Ibigay ko na lang sa Tatay ko 'yun. Hindi ko talaga kayang mag-TikTok.”
Ikinagulat naman ng kanyang ama ang kanyang pahayag at mala-Bossing Vic Sotto na nabuga ang iniinom na tubig.
Samantala, marami nang Kapuso stars ang nasa TikTok upang patuloy na mag-entertain at bilang kanilang pampalipas-oras. Kabilang dito sina Heart Evangelista, Sofia Pablo, at Rodjun Cruz.
RELATED CONTENT:
LOOK: Alden Richards's baby photo with his dad is the cutest!
IN PHOTOS: Alden Richards's thirst trap abs photos