
Level up ang hatid na komedya ng patok na Kapuso sitcom na Daddy's Gurl simula ngayong November 26!
Ngayong Sabado ng gabi, makikita na natin ang bagong mansyon nina Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza).
Idagdag mo pa na bubuksan din nila ang flagship store ng Starbarak's!
Kahit ang mga boarder nila na sina Prince (Prince Clemente), CJ (Carlo San Juan), at Jem (Jem Manicad) kasama rin na naglipat.
Pero maging happy kaya sila sa bagong tirahan kasama ang malditang si Matilda (Wally Bayola)?
At ano itong special gift ni Mrs. Dimayacyac sa mag-amang Otogan na isang robot maid. Makatulong kaya nila ito o magdulot ng sakit ng ulo sa brand-new house?
Sundan ang new adventures nina Barak at Stacy sa kanilang new house sa Daddy's Gurl tuwing Sabado, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).
KILALANIN ANG MGA NAGUGUWAPUHANG LALAKI NA NAGPAKILIG KAY STACY OTOGAN SA GALLERY NA ITO: