
Birthday na ni Stacy, pero siya yata ang masosorpresa dahil marami ang nakalimot ng kanyang special day.
Kaya itong si Barak (Vic Sotto), hihingi ng saklolo sa mga katrabaho at kaibigan ni Stacy (Maine Mendoza) para makapag-organisa ng isang birthday party sa kanyang unica hija.
Makikilala rin ngayong Sabado ang dalawang potential boarders ni Barak. Pumasa kaya sa panlasa nina CJ (Carlo San Juan), Prince (Prince Clemente), at Jem (Jem Manicad) sina Ron (Ron Angeles) at Tyrone (Tyrone Tan) ?
Maki-party with the Otogans sa special episode na ito ng Daddy's Gurl, ngayong Sabado Star Power sa Gabi, March 5 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).