
Mukhang may magiging gusot sa samahan ng boarders nina Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza) sa Daddy's Gurl sa darating na Sabado ng gabi.
Ito-todo na ni Jem ang pagla-live niya sa online app na Kugu para mabayaran ang renta niya kay Stacy.
Kaso magiging sanhi ito para mainis sina CJ (Carlo San Juan), Carlos (Prince Carlos), at Prince (Prince Clemente) sa kanya, dahil naiingayan ang mga ito sa ginagawa niyang raket.
Paano ito aayusin ni Stacy?
Ma-hurt kaya si Jem 'pag nalaman niya ang sentemyento ng kanyang mga kasama sa paupahan?
Walang iwanan ngayong December 11 sa Daddy's Gurl, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa panalong Sabado Star Power sa gabi!
Related content:
Maine Mendoza, sobrang thankful sa dami ng opportunities na natanggap niya kahit may pandemic