
Tila made-for-TV movie ang susunod na episode ng high-rating sitcom na Daddy's Gurl, dahil bibida sa isang action-packed superhero story sina Bossing Vic Sotto at Phenomenal Star Maine Mendoza.
Sa Sabado ng gabi, January 29, lilipad bilang pinakamagandang superhero sa balat ng lupa si Maine at gaganap bilang Wonder Womaine!
Hinahanap ng retired superhero na si Bozzing (Vic Sotto) ang The One na magiging tagapagmana at magtatanggol sa sangkatauhan.
Makikita niya sa katangian ng pulubi na si Germaine (Maine Mendoza) ang hinahanap niya para sa magiging susunod na superhero.
Paano haharapin ni Germaine ang misyon na pangalagaan ang mundo bilang si Wonder Womaine?
Mailigtas kaya niya ang lahat mula sa kamay ng evil alien na si Queen M (Wally Bayola) at alagad nitong si Pinatubombs (Wendell Ramos)?
Hitik hindi lamang sa tawanan kundi pati na rin sa special effects ang susunod na episode ng Daddy's Gurl this coming January 29.
Kaya huwag papahuli sa adventure ng superheroine na si Wonder Womaine sa panalong Sabado Star Power sa gabi, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).