
Handa na ba kayo sa star-studded episode ng bago ninyong Saturday night habit na Daddy's Gurl?
Daddy's Gurl: Direk Chris Martinez, excited makatrabaho si Aiai Delas Alas
Puwes, tutukan ang good vibes na hatid ng mag-amang Barak at Stacy. This December 8, mahahanap na ni Mang Gerry (Jelson Bay) ang kaniyang one and true love.
Kikiligin kaya kayo sa bagong tambalan na JerTy?
Idagdag pa na bibisita ang sikat na sikat na si Coco sa opisina nila ni Stacy. Tiyak na magkakagulo na naman sina Beauty at Daboy sa angking kaguwapuhan ni Coco.
Riot sa katatawanan ang mapapanood sa high-rating Kapuso sitcom na Daddy's Gurl, Sabado ng gabi pagkatapos ng all-out saya na handog ng Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento.