
Bubuhos ang aguinaldo naming katatawanan sa inyo sa Daddy's Gurl sa bisperas ng Pasko!
Magtataka si Chamyto kung kaninong pregnancy test ang nakita niya sa Starbarak's flagship store.
Kay Stacy (Maine Mendoza) ba ito na tila ready na makipagbalikan kay Yasser (Yasser Marta), o kay Matilda (Wally Bayola) na kakaiba ang kinikilos nang mag-withdraw ng malaking halaga sa account ng coffee shop?
Source: GMA Network
Walang patid pa rin ang tawanan at good vibes ngayong Pasko, lalo na at makakasama natin ang seasoned actress na si Jackie Lou Blanco!
Kaya tumutok sa adventures nina Barak (Vic Sotto) at Stacy sa Daddy's Gurl, after ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 p.m. ngayong December 24.