
Naghahanda ang mag-amang Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza) para sa nalalapit na Pasko, pero mukhang hindi lahat magiging happy sa Daddy's Gurl.
Source: GMA Network
Excited na ang mga hotties na sina CJ (Carlo San Juan), Carlos (Prince Carlos), at Prince (Prince Clemente) na umuwi at makita ang kanilang mga mahal sa buhay.
Pero, sunod-sunod na babalik ang mga ito sa bahay ng mga Otogan, dahil may kani-kanilang aberya sila kaya hindi makaka-uwi ngayong taon.
May magawa kaya si Stacy para mas maging special ang Christmas ng mga boarders nila o tuluyan na magiging sad ang Holiday nila CJ, Carlos, at Prince?
Yayain ang buong pamilya at manood ng nakaka-good vibes na episode ng Daddy's Gurl ngayong December 31, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 8:45 p.m. sa panalong Sabado Star Power sa Gabi!
Related content:
Maine Mendoza, sobrang thankful sa dami ng opportunities na natanggap niya kahit may pandemic