
The past is making a comeback!
Magbabalik na ang ex-suitor ni Stacy (Maine Mendoza) na si Pantaleon (Derrick Monasterio).
At certified pogi pa rin ito, plus bilyonaryo na si Pantaleon at naka-ilang orphan mission na sa ibang bansa.
Makakaramdam naman ng insecurity si Yasser (Yasser Marta) sa dating manliligaw ni Visitacion.
May laban kaya ang boyfriend ni Visitacion sa equally good looking at rich heartthrob na si Pantaleon?
Kayo mga Kapuso, sino ang manok niya sa tapatan nina Yasser at Pantaleon?
Sulit ang panonood ng Daddy's Gurl with the return of Sparkle hottie Derrick Monasterio! Abangan ang all-new episode ngayong Sabado ng gabi, June 11, after #MPK (Magpakailanman).