GMA Logo Daddys Gurl
What's on TV

Daddy's Gurl: Ramil, magiging "mayor" sa mansyon ng Otogan

By Aedrianne Acar
Published April 11, 2023 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Kuya separates girls and boys; girls bring up concern on boys' green jokes
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl


Kilalanin ang pamangkin ni Barak (Vic Sotto) na bagong laya sa kulungan ngayong April 15 sa 'Daddy's Gurl.'

Makikilala natin ang astig at bagong laya na pamangkin ni Barak (Vic Sotto) Otogan sa newest episode ng Daddy's Gurl sa darating na April 15.

Darating sa mansyon ng mga Otogan ang ex-prisoner na si Ramil (Gabby Eigenmann) na pamangkin ng Tatang ni Stacy (Maine Mendoza).

Habang wala pang mauuwian at kapos sa pera, matapos lumaya, patitirahin ni Barak si Ramil sa kaniyang tahanan.

'Yun nga lang, mag-aasal “mayor” si Ramil, kaya naman ang mga boarders na sina Prince (Prince Clemente), CJ (Carlo San Juan), at Jem (Jem Manicad) mapapabilib ng tapang nito at gustong sumali sa gang nito!

Pagkakataon na ba ni Ramil na magbagong buhay matapos lumaya o mukhang nangangamoy balik rehas ang pamangkin ni Barak sa ikinikilos nito?

Subaybayan ang nakakaaliw na episode ng hit comedy show kasmaa ang special guest na si Gabby Eigenmann sa Daddy's Gurl. Mapapanood sa oras na 9:15 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman), ngayong April 15.