
Oras na ng singilan ng upa at problemado sina CJ (Carlo San Juan), Prince (Prince Clemente), at Jem (Jem Manicad), dahil wala na ang isa nilang kasamahan.
Mukhang makakahanap naman ng replacement si Stacy (Maine Mendoza), dahil dalawang guwapong boys ang pinalayas sa inuupuhan nilang unit sa itaas na floor.
Pero, may kutob ang boyfriend ni Visitacion na si Yasser (Yasser Marta) na hindi mapagkakatiwalaan ang mga ito.
Mali lang ba ang akala ni Yasser sa bagong boarders ni Barak (Vic Sotto) o mabibiktima ang mga Otogan ng mga manggagantso?
Tutukan ang all-new episode ng Daddy's Gurl with their special guests- Cyd Joseph Cruz and Kaloy Tingcungo!
Maki-tawa sa bagong kuwento ng favorite nating mag-ama on TV sa Sabado Star Power sa Gabi this coming March 12 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).