
Kampihan time!
Masusubukan ang marketing idea ni Sir Lance (Oyo Sotto) kontra sa statuesque beauty na si Cherry (Jen Rosendahl) ngayong Sabado ng gabi.
Dahil booming ang coffee business ng mga Otogan, may kani-kanilang proposal sila Lance at Cherry kung papaano pa ito mas mapapalago.
Sino sa dalawa ang mas may pulidong plano para sa Starbaraks?
Sino naman kaya kina Lance at Cherry ang kakampihan nina Carlos (Prince Carlos), Prince (Prince Clemente), Carlo (Carlo San Juan), at Jem (Jem Manicad) para piliin ni Stacy (Maine Mendoza)?
Tutukan ang guesting ni Pepito Manaloto star Jen Rosendahl sa Daddy's Gurl, sa darating na November 20, sa Sabado Star Power sa Gabi, pagkatapos ng #MPK o Magpakailanman.