
Mukhang may darating na opportunity para sa mag-amang Stacy (Maine Mendoza) at Barak (Vic Sotto) para kumita ng limpak-limpak na pera.
Bibisita ang isang Saudi Arabian billionaire sa Starbarak's na si Abdulaziz Alhambra (Boy 2 Quizon).
Noong una, duda sina Stacy at Chamyto sa lalaki, pero laking gulat nito nang maglabas ito ng pera at binili ang lahat ng kape na nasa menu.
Ready din daw si Abdulaziz na bilhin ang Starbarak's for $100 million, kaso kasama si Stacy na bibilhin ng Saudi Arabian businessman.
Pumayag kaya si Barak sa gusto ng dayo?
Ano naman kaya ang mangyayari sa boyfriend ni Visitacion na si Yasser (Yasser Marta)?
Sulitin ang pahinga ngayong weekend at manood ng Daddy's Gurl sa darating na May 13, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).