
Walang patid na naghatid ang Daddy's Gurl ng good vibes nitong 2021.
At kahit challenging ang kanilang show dahil sa pandemya, masidhi ang pagnanais ng buong team sa pangunguna nina Bossing Vic Sotto, Maine Mendoza, at Direk Chris Martinez na magbigay ng quality entertainment every week.
Source: pilot_kevinreal (IG)
Idagdag pa na mas lalong lumaki ang kanilang pamilya nang opisyal nilang ipakilala noong Oktubre sa kanilang third anniversary presentation ang bagong cast members nila na sina Kapuso hunks Carlo San Juan, Prince Carlos, Prince Clemente, at comedian Jem Manicad.
Kaya sa darating na 2022, isang pasabog sa Bagong Taon ang mangyayari, dahil mami-meet na ni Stacy (Maine Mendoza) ang lalaking magpapatibok sa kanyang puso.
Yes, you heard it right!
Sa next episode ng Daddy's Gurl, hindi maitago ang ngiti at kilig ng unica hija ni Barak (Vic Sotto), dahil sa sweet at caring guy na na-meet siya sa online app na Blender.
Is he the right one for Stacy or dapat makinig siya sa payo ni Sir Lance (Oyo Sotto) na huwag magpauto sa taong nakilala lang niya online?
May hula na ba kayo, mga Kapuso kung sino ang ka-match ni Stacy?
Kilalanin ang heartthrob na ito na nagpapakilig sa beautiful daughter ni Barak sa upcoming episode ng Daddy's Gurl, sa January 8 na yan, sa Sabado Star Power sa gabi.
Heto naman ang mga hotties na dapat n'yo abangan every Saturday night sa high-rating Kapuso sitcom sa gallery na ito.