What's on TV

Dagul at Jo Berry, bibida sa Father's Day special ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published June 17, 2022 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Atong Ang may already be out of the country —whistleblower Patidongan
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Dagul and Jo Berry on MPK


Bibigyang-buhay nina Dagul at Jo Berry ang bagong episode at Father's Day special ng '#MPK.'

Tampok ang komedyanteng si Dagul at si Kapuso actress Jo Berry sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanaman.

Bilang special Father's Day presentation, gaganap sila bilang mag-ama sa episode na pinamagatang "Ang Dakila Kong Ama: The Dagul and Jkhriez Pastrana Story."

Si Dagul mismo ang gaganap sa kanyang sarili, habang si Jo naman ang nag-iisa niyang anak na babaeng si Jkhriez.

Isang person of average height ang napangasawa ni Dagul at nagkaroon sila ng tatlong anak na lalaki na of average height din. Si Jkhriez lang ang tanging babae nilang anak at ito lang din ang nakamana ng dwarfism ni Dagul.

Ano ang mga pagsubok na pinagdaanan nila bilang mag-amang little persons?

Bahagi din ng episode sina Lovely Rivero, Kim de Leon, Julius Miguel at Dentrix Ponce.

Abangan ang Father's Day special at brand new episode na "Ang Dakila Kong Ama: The Dagul and Jkhriez Pastrana Story," June 18, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din ito nang sabay sa official YouTube channel ng GMA Network at maging sa Facebook page at TikTok account ng #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: