What's on TV

'Dahas,' susunod sa 'Karelasyon'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 11:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipina nurse killed in tragic accident outside Sacramento VA Medical Center
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Sisirain mo ba ang sarili mong kadugo?

 

 

Anong klaseng ina dapat ituring ang tulad ni Cristy (Jaclyn Jose)?  Una, mag-isa lang niyang itinataguyod ang mga anak sa pamamagitan ng isang iligal na kabuhayan -- ang pangongolekta ng taya sa tinatawag na “loteng”. Panglawa, hindi rin niya magawang pigilan ang pagtutulak ng droga ng kanyang panganay na si Olan (Martin Del Rosario) na ang layunin lang daw ay makapag-ambag sa mga gastusin sa kanilang tahanan. Kaya naman pagbibigay na lang ng payo ang nagagawa ni Cristy kay Olan habang patuloy ang pangamba niya sa maaring mangyari rito.

 

Ang hindi alam ni Cristy, may higit pang masahol na problema ang nagaganap sa loob ng kanilang tahanan, at ang anak niyang si Rosita (Joyce Ching) ang biktima rito. Anong krimen ito na si Olan ang may kagagawabn, na hindi na raw kaya sikmurain ni Cristy? Ano ang magiging epekto nito sa relasyon ni Rosita kay  Pol (Kristoffer Martin), na tanging pag-asa na lamang niya sa isang maayos na pamumuhay.  

Ito ang napapanahong kuwentong tampok ngayong Sabado sa Karelasyon na pagbibidahan ng 2016 Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose, kasama ang mga Kapuso stars na sina Martin del Rosario, Kristoffer Martin at Joyce Ching, mula sa panulat at direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Mapapanood ang Karelasyon tuwing Sabado kasama si Carla Abellana pagkatapos ng Eat Bulaga.