
Kilalanin si Kai Gandahon, isang netizen na lumilikha ng mga kakaibang gown sa Iloilo.
Ipinakilala ni Dingdong Dantes si Kai na gumagawa ng gowns gamit ang iba't ibang klase ng mga dahon. Noong May 6 sa Amazing Earth ay ipinakita ni Kai ang kaniyang mga ginagawang bio fashion gowns. Isa sa mga ito ay gawa pa sa dahon ng kamansi at tipolo na inihanda niya para sa Amazing Earth.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Tampok rin sa Amazing Earth noong Sabado ang kuwento ni Rosalie Barcena at ang kaniyang paggawa ng unan gamit ang kapok.
Alamin kung paano niya ginagawa ito at paano niya sinimulan ang negosyong ito sa kuwento ng Kapuso Primetime King.
Patuloy na subaybayan ang mga amazing na mga istoryang handog ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network.
SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: