What's Hot

Daiana Menezes, ibinunyag ang dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang dating mister na si Benjo Benaldo

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 11:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Two words lang ang sinabing dahilan ni Daiana Menezes kung bakit siya nakipaghiwalay sa asawa.


Nalagay sa hot seat ang dating Eat Bulaga host na si Daiana Menezes nang mag-guest siya sa Mars at kinailangan niyang sagutin ang on-the-spot question na, “Ano ang mas masakit? ‘Yung ipagpalit ka sa mas maganda sa ‘yo o sa mas mayaman sa ‘yo?” 

 

Watch kayo mamaya, 7pm! #ootd for today's episode of @mars_gmanewstv . Top @poshmarkboutique Skirt @topshop Shoes @isabellachanel_onlineshopping @maisonvalentino

A photo posted by ???Daiana Menezes BRAZILIPINA™ (@daianamenezes_) on


Sagot ng Brazilian actress-host, “Sa yaman siguro. Sa akin kasi, hindi naman importante ‘yung physical. Kung iniwan mo ‘yung tao dahil wala siyang pera, ibig sabihin hindi mo talaga siya mahal kasi you’re looking at the money on him.”
 
Nainitriga ang kapwa niyang guest celebrity na si Wilma Doesnt at natanong kung ano ang nangyari sa kanila ng kanyang dating mister na si Jose Benjamin “Benjo” Benaldo ng Cagayan de Oro City.
 
Mabilis itong sinagot ng mestiza model, “Napagod ako!”
 
Nagsigawan at hiyawan silang lahat sa studio kasama ang hosts na sina Camille Prats at Suzi Abrera. 

 

#WilmaDoesnt #DaianaMeneses #SuziAbrera #CamillePrats @MarsGNTV Thursday 7PM #GMANEWSTV #CHANNEL11 #THROWBACK

A photo posted by Mars (TV Show) (@mars_gmanewstv) on


Kung may kanta raw na makakapaglarawan ng buhay pag-ibig niya ngayon, ito ay ang “Love Yourself” ni Canadian singer-songwriter Justin Bieber.
 
Naging maingay ang pangalan ni Daiana at ng kanyang asawa noong taong 2013 nang dahil sa kanilang marital woes at ang pagiging biktima niya ng pananakit at pang-aabuso.