GMA Logo daig kayo ng lola ko
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Ang misyon ni Captain Barbie

By Aedrianne Acar
Published August 16, 2021 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Nygel Gonzales, Titing Manalili shrug off ‘best PG’ debate as San Beda–Letran finals heat up
Waltz On Playlist
The Voice Kids Philippines stages its grand finale this December 14

Article Inside Page


Showbiz News

daig kayo ng lola ko


Sasabak si Bruce (Jeric_Gonzales) sa superhero training ni Pink Lady (Glenda Garcia)! Narito ang pasilip sa episode ng “Captain Barbie” sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' ngayong Linggo.

Buo na ang puso ni Bruce (Jeric Gonzales) para gampanan ang misyon na maging si Captain Barbie (Barbie Forteza).

Noong una ay nag-aalinlangan siyang maging female superhero. Pero ngayon, handa na siyang gamitin ang kapangyarihan ng magical pink police bat para sugpuin ang kasamaan at mapanagot ang grupo ni Goldino (Thou Reyes).

Sa tulong ni Pink Lady (Glenda Garcia), tuturuan at iti-train niya si Bruce kung paano gamitin ang powers ni Captain Barbie.

Magtagumpay kaya si Bruce sa kanyang superhero training?

Tutukan ang second episode ng action-packed at magical story, na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Jeric Gonzales, sa all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa Gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend!