
Gamit ang mahiwagang pulseras na ibinigay ni Inang Kalikasan (Rhian Ramos), makakamit nina Bobby (Buboy Villar), Champi (Lexi Gonzales), Ika (Angel Guardian) at Jigs (Joaquin Domagoso) ang kakaibang kapangyarihang pupuksa sa BardaGoons.
Sa ikatlong bahagi ng kuwento ng "Lodi League" ngayong August 17 sa Daig Kayo Ng Lola Ko, ibabahagi ni Inang Kalikasan ang nakaraan nila ni Barda (Nicki Morena) at bakit ito naghahasik ng lagim.
Ngunit sa taglay na powers nina Bobby (Buboy Villar), Champi (Lexi Gonzales), Ika (Angel Guardian) at Jigs (Joaquin Domagoso)- handa kaya sila sa responsibilidad na ito?
Gamitin kaya nila ang powers ng mga pulseras sa kabutihan o gamitin kaya nila ito para maghiganti sa mga nambu-bully sa kanila noon?
Tunghayan ang patuloy na gumagandang kuwento ng "Lodi League" episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayong Sabado, August 17, sa oras na 9:30 p.m..
THE MOST AESTHETIC PHOTOS OF RHIAN RAMOS: