
Mas engrande ang Sunday Grande sa gabi this coming July 18, dahil dalawang Kapuso A-listers ang bibida sa all-new episode ng award-winning children's fantasy series on TV na Daig Kayo Ng Lola Ko.
Samahan ang Ultimate Star Jennylyn Mercado at versatile actor na si Paolo Contis sa kanilang magical adventure na pinamagatang 'Last People on Earth.'
May magagawa ba ang tomboyish na baker na si Angel (Jennylyn Mercado) at engineer na si Migs (Paolo Contis) sa pagharap nila sa dark creatures na tinawag na sombras?
Makakasama rin ng dalawa ang beauty queen na si Maxine Medina, Shyr Valdez, Nico Antonio, at Skelly!
Mark your calendars sa isang star-studded presentation ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa Gabi, July 18 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.