
Wagi ang mga bida-kontrabida last Sunday, mga Kapuso!
Tinutukan ng mas higit na nakakaraming viewers ang unang kuwento na handog sa 5th anniversary special ng award-winning children's fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko noong July 10.
Nakilala ng mga Kapuso ang mga kontrabida na gusto maging bida for a change na sina Rumpelstiltskin (Jo Berry), Evil Queen (Rufa Mae Quinto), at Sea Witch (Cai Cortez).
Base sa datos, nakakuha ang Daig Kayo Ng Lola Ko ng 11.4 percent sa NUTAM People Ratings na mas mataas sa katapat nitong programa.
Kaya kung nabitin kayo sa magical adventure na 'Bida Kontrabida', patuloy na tutukan ang month-long anniversary presentation ng Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Sunday Grande sa gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.