
Shopaholic na si Billie (Kate Valdez), hahabulin ng kaniyang OOTD na si Ms. Terry (Che Ramos)!
Gagawin ni Billie at Yaya Bes (Divine Aucina) ang lahat para pigilan ang magical clothes na si Ms. Terry sa panggugulo sa kaniyang buhay.
Kaso, mas lalaki ang problema ng dalaga nang humingi ng tulong si Ms. Terry sa ibang magical clothes and friends niya na sina Ms. Chee Vous (Chanel Latorre) at Ms. Place (Chie Nicdao).
Paano pipigilan ni Billie ang tropa ni Ms. Terry?
Ano ang mangyayari kapag nalaman ni Mommy Rechie (Lara Quigaman) na hindi lang nagsayang ng pera ang anak kundi may hiwagang taglay ang binili niyang OOTD?
Samahan ang Sparkle actress na si Kate Valdez sa part-two ng “Billie, Bili Na” kung saan bibida din sina Therese Malvar, Divine Aucina, Mitzi Josh, Hannah Arguelles, Che Ramos, Chanel Latorre, Chie Nicdao, at Miss International 2005 titlist Lara Quigaman.
Sulit ang panonood with whole family ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong December 30, sa oras na 6:15 pm, bago ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.