GMA Logo Lelang and Me
Source: GMA Network
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Barbie Forteza at Rob Gomez, balik-tambalan sa 'Lelang & Me'

By Aedrianne Acar
Published April 19, 2022 2:40 PM PHT
Updated July 26, 2024 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lelang and Me


Plano nila Scarlet (Barbie Forteza) at Declan (Rob Gomez) sa isang ancestral house, matuloy kaya kung puno ito ng kababalaghan?

Na-miss n'yo ba ang chemistry nina Steffy at Joseph sa Mano Po Legacy?

Puwes, wish granted ang hiling n'yo mga Kapuso, dahil magsasama ang dalawa sa isang special episode ng multi-awarded children's fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko!

Bibida ang dalawa sa nakakakilig at nakakapanindig-balahibo na episode na pinamagatang, “Lelang & Me!”

Gaganap sina Barbie Forteza at Rob Gomez bilang modern couple na sina Scarlet at Declan na planong ire-decorate ang isang ancestral house sa probinsya para mapa-rentahan nila ito.

Lelang and Me

Dito matatagpuan ng dalawa ang isang lumang portrait ng great grandparents ni Scarlet na sina Luningning (Barbie Forteza) at Dakila (Anjo Damiles).

Lingid sa kaalaman nila na may hiwagang taglay ang portrait at lalabas dito ang mga dating may-ari ng bahay.

Kakayanin kaya ni Scarlet at kaniyang boyfriend ang kababalaghan mangyayari sa ancestral house?

Papayag kaya sina Luningning at Dakila sa plano ng kanilang apo sa pinakamamahal nilang tahanan?

Tutukan ang special role ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa all-new episode na “Lelang and Me” sa darating na Sabado, July 27 sa oras na 9:30 p.m.