
Maaksyon ang bagong kuwento na mapapanood n'yo sa multi-awarded children's fantasy show na Daig Kayo Ng Lola Ko this weekend.
Sa bagong kuwento na “Captain Barbie”, makikilala n'yo ang ang police officer na si Bruce (Jeric Gonzales) na kahit hindi maituturing na number one cop ay taglay ang busilak na puso para tulungan ang mga nangangailangan.
Isang araw, bibigyan siya ng pagkakataon ng isang street vendor na kanyang niligtas na makatulong sa mas maraming tao.
Sa pamamagitan ng pink na batuta, magiging superhero siya bilang si Captain Barbie!
Paano haharapin ni Bruce ang ibinigay sa kanyang kapangyarihan at handa ba niyang tanggapin ang responsibilidad bilang isang female superhero?
Yayain ang buong pamilya at panoorin sina Barbie Forteza at Jeric Gonzales sa all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa Gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend!