
Mas lalong exciting ang mangyayari sa finale ng anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa huling araw ng Hulyo!
Masusubukan ang diskarte at talino ng mga kontrabida-turned-bida na sina Cutie (Jo Berry), Pearly (Cai Cortez), at Queenie (Rufa Mae Quinto) para mapigilan si Big Bad Wolf (Andre Paras) sa masamang plano nito kay Princess (Lime Aranya), Lola Caring at Boyet.
Kailangan ding mabawi ng tatlo ang fairytale book para hindi mabago ang kanilang buhay kung may mangyaring masama sa libro.
Ngunit, sapat ba ang kanilang powers kung biglang mag-transform si Big Bad Wolf into a much scarier monster?
Tunghayan ang part-four ng kinahuhumalingan n'yo mga Kapuso na magical story na 'Bida Kontrabida' sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa gabi (July 31), pagkatapos ng 24 Oras Weekend.