GMA Logo Beast Friends Forever
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Charlotte, nag-wish ng BFF pero maligno ang dumating!

By Aedrianne Acar
Published September 24, 2025 7:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Beast Friends Forever


Best friend ang hiling mo, pero ang dumating ay Beast Friend Forever! Ano ang mangyayari kay Charlotte (Ashley Sarmiento) na wish magkaroon ng isang loyal friend?

Magical ang Saturday night natin sa handog na mabubuting aral ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Kaya naman sinuklian ng viewers ang magandang kuwento ng weekly magical anthology, matapos ito makakuha ng 5.5 percent rating kontra sa katapat nitong show base sa datos mula sa NUTAM People Rating nitong September 20, 2025.

Mapapa-"sana all" ang lahat sa closeness nina Willard (Will Ashley)at Mikki (AZ Martinez). Kaya ang ating vlogger na si Charlotte (Ashley Sarmiento), gusto rin sana maka-meet ng guy bestfriend na makakasama niya sa buhay.

Nang marinig ito ng hotel manager ng Best Camp, pinayuhan niya ang dalaga na mag-wish sa isang paruparo para matupad ang hiling niya.

Pero, mukhang sa halip na guy BFF ang dumating ay isang Dalakitnon ang darating sa buhay ni Charlotte?

Ano ang mangyayari kung ang bestie mo ay isa palang maligno?

Tutukan ang exciting story ng “Beast Friends Forever” sa video below!