
Ang dating suwerte ng mag-inang Charing (Maureen Larrazabal) at Charmel (Sofia Pablo) mawawala na parang bula?
Sa Daig Kayo ng Lola Ko "Charing's Charm," mainit pa rin ang ulo ni Charing sa anak nang itago nito ang kanyang mga pampaswerte. Ito ang iniisip niyang naging dahilan kaya nanakaw ang kanyang wallet.
Maayos pa kaya ang tampuhan sa pagitan ni Charmel at kanyang nanay?
Ano ang gagawin ng dalawa kung ang mga magnanakaw na kumuha sa wallet ni Charing ay puntiryahin naman ang kanilang tahanan?
Abangan sa finale episode ng "Charing's Charm" sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo, January 9, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.