
Bawal ang tatamad-tamad sa Linggo ng gabi sa Daig Kayo Ng Lola Ko at baka matulad kayo kay Tammy.
Lumaking spoiled ang only child na si Tammy, dahil dito wala itong pakialam sa mga gawaing bahay at hinahayaan lang niya ang kanyang Yaya Liza ang gumawa lahat.
Lingid sa kaalaman ni Tammy, inoobserbahan siya ng mga magical elves na sina Elfie at Fina na nakikita ang katamaran niya.
Ano ang maiisip nang dalawa para turuan ng leksyon si Tammy Tamad?
Para sa huling Linggo ng Pebrero extra special ang magical story ng Daig Kayo Ng Lola Ko, dahil bibida ang Prima Donna star na si Elijah Alejo!
Makakasama rin niya sina Ina Feleo, Neil Ryan Sese, at Lotlot Bustamante.
Magbibigay ningning din ang mga Sparkle artists na sina Faye Lorenzo, Dani Porter, at Luke Conde.
Yayain ang buong pamilya na manood ng all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa February 27, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.