GMA Logo Lady and Luke
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Finding the puppeteer

By Aedrianne Acar
Published March 13, 2023 7:08 PM PHT
Updated June 6, 2024 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Lady and Luke


Sumpa ni Lady (Barbie Forteza), ikapapahamak kaya niya? Abangan ang second-part ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko: Lady & Luke' ngayong June 8.

In mortal danger si Lady (Barbie Forteza) sa upcoming episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo ng gabi.

Isang palaisipan sa dalaga kung bakit walang nakitang problema sa kaniya ang doktor, kahit pakiramdam niya ay may komokontrol sa kilos niya.

Lady and Luke

Source: sparklegmaartistcenter (IG)

May kutob si Lady na ang manghuhula na si Delilah (Gilleth Sandico) ang may kasalanan sa involuntary movements niya. Pero nang kausapin niya ito, itinanggi niya ang paratang at sa panibago niyang hula sa dalaga, sinabi nito na ikamamatay niya ang sumpa na nararanasan niya.

Naulit ang insidente na biglang kusang gumalaw ang katawan ni Lady kaharap ang isang client at buti na lang, to the rescue muli ang chinito cutie na si Luke (David Licauco).

Sino kaya ang misteryosong puppeteer na gumugulo sa buhay ni Lady?

Nagpapanggap lang ba si Delilah o mas malapit na tao sa kaniya ang may pakana nito?

Tutukan ang pagpapatuloy ng gumagandang kuwento ng "Lady & Luke" story sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong June 8, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).

SWEET MOMENTS OF BARBIE AND DAVID CAUGHT ON CAMERA IN DAIG KAYO NG LOLA KO: