
Sisingilin nang malaki si Patty (Kyle Ocampo) sa pagkuha ng magical bag of gold ni Roygbiv (Boobay).
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng "Gold Pa More" sa Daig Kayo Ng Lola Ko, bibigyan ng taning ng makapangyarihan na leprechaun ang magkapatid na sina Jackie (Althea Ablan) at Patty na maibalik ang ninakaw sa kanya.
Bilang parusa, gagawing gold coin ni Roygbiv ang nanay nilang si Cora (Sunshine Cruz)
Nang malaman ito ni Patty, agad niyang isasauli ang bag of gold, ngunit huli na ang lahat dahil nanakawin naman ito ni Maita (Kiray Celis).
Malaman kaya nina Jackie at Patty kung sino ang kumuha ng bag of gold? Mailigtas kaya nila ang kanilang Nanay Cora bago ang palugit ni Roygbiv?
Mag-relax kasama ang buong pamilya habang nanonood ng "Gold Pa More" sa Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayong Easter Sunday, April 17, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.