
Ang mga losers sa campus, magiging hero!
Simula na naman ng isang exciting magical adventure sa Daig Kayo Ng Lola Ko and this Saturday night (August 10), makikilala n'yo na ang mga “Lodi” na susubaybayan n'yo every weekend.
Tagged as losers sina Bobby (Buboy Villar), Champi (Lexi Gonzales), Ika (Angel Guardian), at Jigs (Joaquin Domagoso).
Pero sa isang pambihirang pagkakataon, makikilala nila ang makapangyarihang Diwata na si Inang Kalikasan (Rhian Ramos) na may matinding suliranin.
Paano kaya nila matutulungan ang Diwata kontra sa BardaGoons na ang tanging misyon ang sirain ang Planet Earth sa paghahasik nila ng polusyon?
May laban kaya silang apat sa mga kampon ni Barda (Nicki Morena)?
Sama-samang manood with the whole family ng action-packed at puno ng aral na episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayong August 10, pagkatapos ng #MPK.
KILALANIN ANG SPARKLE ACTRESS AT SINGER NA SI ANGEL GUARDIAN DITO: