
Susubukan ni Angel (Jillian Ward) alamin ang dahilan kung bakit siya pinatawan ng sumpa ng isang kapre.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng “Tiki Toktok” sa Daig Kayo Ng Lola Ko, hahanapin nila ang lungga ng kapre sa tulong nina Daphne at Mang Igme. Sa oras na matunton nila ang tirahan nito, madidiskubre nila na ang kapre at ang nilait ni Angel na si Captain Rey (Michael Sager) ay iisa.
Ito na ba ang pagkakataon ni Angel na itama ang kaniyang pagkakamali at humingi ng tawad o maging mitsa ito ng mas malaking problema sa pagitan nila Captain Rey?
Abangan muli ang Sparkle star na si Jillian Ward sa continuation ng “Tiki Toktok” with Sparkada members Vanessa Peña at Michael Sager. Bibida rin sina Mon Confiado, Mel Martinez, at seasoned comedienne na si Nova Villa.
Abangan ang all-new episode na ito Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa gabi, bago ang Happy ToGetHer.