
Hihingi ng tulong sina Scarlet (Barbie Forteza) at Declan (Rob Gomez) sa isang psychic para maibalik sina Luningning (Barbie Forteza) at Dakila (Anjo Damiles) sa portrait.
Ngunit, sablay ang plano ng dalawa at mananatili pa rin sa ancestral house ang kaniyang great grandparents.
Mapipilitang ang dalawang couple na tumira sa iisang bahay--- mas maiintindihan kaya nina Lelang at Dakila ang modern world na kinabibilangan ng kanilang apo?
May matutunan naman kaya sina Scarlet at Declan sa buhay noon, ngayon kasama nila si Lelang?
Mapapa-throwback kayo sa puno ng aral na kuwento na hatid ng part two ng 'Lelang and Me' sa Daig Kayo Ng Lola Ko! Panoorin ito ngayong Sabado, August 3, pagkatapos ng #MPK.