What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Lorraine, haharaping mag-isa si Tiny

By Aedrianne Acar
Published November 22, 2022 7:07 PM PHT
Updated July 19, 2024 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Southwest Monsoon to bring rains
SK prexy in Argao, Cebu shot man dead in jealous fit
Filo Engenes get a chance to meet ENHYPEN in South Korea

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko Game Over


Matapang na nurse versus zombies ni Tiny (Matt Lozano)! Huwag palampasin ang exciting finale ng 'Daig Kayo ng Lola Ko: Game Over.'

It's crunch time na para sa grupo ni Lorraine (Carla Abellana) na na-trap sa isang mobile game na punong-puno ng zombies!

Patong-patong na ang problema niya, dahil nakagat ng zombie sina Jade (Althea), kapatid niya na si Lara (Cassy Legaspi) at classmate nito na si Red (Luis Hontiveros).

Ang natitira na lang na solusyon ay ang hanapin si Tiny (Matt Lozano) sa kaniyang pinagtataguan at makuha ang cure.

Kayanin kaya ng pretty nurse ang misyon na mag-survive sa eskuwelahang nagkalat ang zombies para mahanap ang antidote at mailigtas ang lahat?

Abangan ang exciting finale ng "Game Over" sa Daig Kayo Ng Lola Ko, July 20 sa oras na 9:30 p.m.

MOST MEMORABLE ROLES OF CARLA ABELLANA: