GMA Logo Daig Kayo Ng Lola Ko
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Loser noon, palaban na ngayon!

By Aedrianne Acar
Published April 11, 2023 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lending firm collector, itinumba ng riding in tandem sa Maguindanao del Norte
Sunod-Sunod nga pagbuto sa Armas, Nadungog sa Senado | Balitang Bisdak
From sacrifices to smiles: 20 hardworking Pinay moms pampered on a special Davao getaway

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko


Balikan ang simula ng bagong kuwento ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' na pinamagatang 'Lodi League.'

Maaksyon kuwento ang bumungad sa mga manonood sa Easter Sunday episode ng award-winning fantasy show na Daig Kayo Ng Lola Ko nitong April 9.

Nakilala natin ang mga loser ng campus na sina Bobby (Buboy Villar), Champi (Lexi Gonzales), Ika (Angel Guardian) at Jigs (Joaquin Domagoso).

Bagamat mababa ang self-esteem at walang kapangyarihan, hindi nagdalawang-isip ang apat na saklolohan si Inang Kalikasan (Rhian Ramos) kontra sa mga evil alien na BardaGoon.

Matapos ipamalas ang angking katapangan, bibigyan ni Inang Kalikasan ang mga ito ng kapangyarihan upang sagupain ang mga nagtatangkang sirain ang kalikasan at maghasik ng dumi sa buong mundo.

Alamin ang mga natanggap na powers na bumubuo sa Lodi League sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko noong April 9.

Bitin ba kayo? Heto ang iba pang highlights sa nakaraang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Inang Kalikasan is in danger!

Inang Kalikasan o White Lady?!

Para sa mga Kapuso abroad, panoorin ang latest episodes nito sa GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com

Puwede n'yo rin mapanood ang magical stories ng award-winning fantasy show sa Pinoy Hits na available sa GMA Affordabox at GMA Now.