
Mas lalo n'yong ma-appreciate ang mga pinakamamahal n'yong tatay sa family-friendly episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Sa pagpapatuloy ng ating kuwento na “Papa Pig,” paparusahan ni Prince Stu Pig (Kokoy de Santos) ang ungrateful child na si Pippa (Elijah Alejo) at gagawin itong human pig.
Dahil sa transformation niya, pipiliin ni Pipa na hindi lumabas ng kanilang bahay. Sa sobrang pag-aalala ng ama niya na si Pepe (Gabby Eigenmann), hihingin nito kay Stu Pig na gawin siyang human pig para madamayan ang anak.
Matutunan kaya ni Pippa na mahalin ang tatay niya na handang isakripisyo ang lahat para sa kanya?
Ano ang mangyayari kapag natuklasan ni Baby (Geneva Cruz) na ang kapitbahay niya ay naging mga taong baboy?
Walang bibitaw sa part-two ng heartwarming story na 'Papa Pig' sa Daig Kayo Ng Lola Ko this January 13, bago ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.