
Mamangha kayo sa magic at puno ng aral na bagong episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko para sa buwan ng Agosto.
Kung noong mga bata kayo ay nahilig kayo sa iba't ibang klaseng dolls, stuffed toys o action figures, tiyak na maiibigan n'yo ang kuwento ni Rina (Lia Salvador) at ang kaniyang BFF doll na si Bubbles (Sanya Lopez).
Lingid sa kaalaman ni Rina, magical ang kaniyang doll at sa oras na mabully siya ng kaniyang mga roommate, igaganti siya ni Bubbles!
Maging sakit ba ng ulo ni Rina ang BFF niya na si Bubbles?
Ilan sa paborito n'yo na Kapuso stars ang bibida sa bagong kuwento na "MadalDolls" tulad nina Ashley Ortega bilang Blondie, Rodjun Cruz as Super S.T.A.N. at si Kapuso diva Hannah Precillas bilang si Carrot.
Makakasama rin sina Lia Salvador, Tina Paner, Vince Crisostomo, Crystal Paras, at Sparkada beauty Roxie Smith.
Mas masarap ang bonding time tuwing Linggo ng gabi sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa gabi (August 7), pagkatapos ng 24 Oras Weekend.