
Tiyak kukurot sa inyong mga puso ang Mother's Day special ng award-winning weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko sa darating na Linggo, May 8.
Dahil isang intergalactic adventurer na si Potpot (Miggs Cuaderno) ang mapapadpad sa planet Earth sa all-new story na 'Mommyficent.'
Dahil sa isang electromagnetic interference, babagsak si Potpot sakay ng kaniyang hoverboard sa tahanan ng single mother na si Blessie (Jean Garcia).
Sa pagtira ng friendly alien sa bahay ni Blessie (Jean Garcia), maturuan kaya nito ang bratty at ungrateful anak nito na si Maggie (Dani Porter) na ma-appreciate ang mga ginagawa ng kaniyang ina para sa kaniya?
Matigil na rin kaya si Maggie sa pagiging mainggitin nito sa buhay ng kaibigan niya na si Misha (Rere Madrid)?
Tampok din sa puno ng aral na episode na ito ng Daig Kayo Ng Lola Ko sina Almira Muhlach na gaganap bilang si Gretchen at bibida naman bilang Bogs si Rob Sy.
Yayain si Mommy at mag-bonding habang nanonood ng Mother's Day presentation ng magical fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa gabi (May 8), after 24 Oras Weekend.