GMA Logo Billie, Bili Na episode
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Mapapa-'add to cart' kayo sa kuwento na 'Billie, Bili Na'

By Aedrianne Acar
Published June 21, 2022 3:48 PM PHT
Updated December 18, 2023 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Billie, Bili Na episode


Abangan sina Kate Valdez, Therese Malvar, at beauty queen-actress Lara Quigaman sa bagong kuwento ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' na “Billie, Bili Na” this Saturday night (December 23).

Sa mga addict sa online shopping, hinay-hinay naman!

Huwag tularan ang fashionista pero ubod ng gastos na si Billie (Kate Valdez) na panay “add to cart” para sa trendsetting OOTD.

Hindi rin nakakatulong sa bad spending habits niya si Yaya Bes (Divine) at idagdag pa ang kaniyang friends na sina Lala (Therese Malvar), Zara (Mitzi Josh), at Nikki (Hannah Arguelles).

Kaya naman magbabago nang tuluyan ang buhay ng fashionista na si Billie nang malaman ni Mommy Rechie (Lara Quigaman) ang nakakalokang pinagkakagastusan ng anak at agad na ico-confiscate ang kaniyang credit card.

Matututo kaya si Billie kung paano dapat gastusin ang kaniyang pera?

Susi kaya rito ang mahiwagang K-pop-inspired outfit na isa sa ide-deliver sa bahay ng dalaga?

Tama muna ang pagiging shopaholic at matuto sa bagong kuwento na “Billie, Bili Na” kung saan bibida sina Kate Valdez, Therese Malvar, Divine Aucina, at Miss International 2005 titlist Lara Quigaman.

Mag-bonding with the whole family sa panonood ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong December 23, bago ang 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' sa oras na 6:15 pm.