
Mas magical ang viewing experience sa Saturday primetime sa pagbabalik ng fantasy anthology series on na Daig Kayo Ng Lola Ko nitong Sabado, April 6.
Nagningning din sa TV ratings ang episode ng award-winning show sa weekend primetime matapos makamit ang 7.9 percent rating base sa datos mula sa NUTAM People Rating.
Last weekend, nakilala natin ang daddy na si Owen (Gabby Eigemann) na bida sa kuwento na "Smart Fam" na hindi maalis-alis sa kanya ang paggamit ng smartphone.
Kahit ang mga anak niyang sina Elsie (Zonia Mejia) at Annie (Sienna Stevens), hindi rin mapigilan sa paggamit ng gadget at babad sa social media, bagay na kinalulungkot at ipinag-aalala ng misis ni Owen na si Cherry (Rochelle Pangilinan)
Kaya naman magugulo ang pamilya nila nang isang araw, may kababalaghang nangyari kay Owen at naging isa siyang human smartphone.
Ano itong curse na nangyari kay Owen? Paano kaya siya babalik sa normal?
Owen's transformation as a smartphone
Balikan ang exciting na mga nangyari sa Daig Kayo Ng Lola Ko presents "Smart Fam" sa video below.
Daig Kayo ng Lola Ko: Smart Fam
Owen's gift of appreciation for his wife
The consequence of being a cellphone addict!
Meet the family of smartphone addicts!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.