
The truth hurts!
Palpak ang unang misyon ng Lodi League na binubuo nina Bobby (Buboy Villar), Champi (Lexi Gonzales), Ika (Angel Guardian) at Jigs (Joaquin Domagoso).
Sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko last Sunday night (April 16), hindi magamit ng Lodi League ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanila ni Inang Kalikasan (Rhian Ramos) para labanan ang BardaGoons.
Source: GMA Network (YT)
Sa halip naging katawa-tawa sila sa harap ng mga kalaban at kinailangan pa silang sagipin ni Inang Kalikasan para hindi madakip ng kampon ni Barda.
Dito na ba matatapos ang misyon ng apat bilang Lodi League?
Tunghayan ang naging desisyon ng makapangyarihan na si Inang Kalikasan sa kapalaran nilang apat na napanood sa Daig Kayo Ng Lola Ko last April 16.
Lodi League, losers sa unang laban!
Bitin ba kayo? Heto ang iba pang highlights sa Sunday night episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Pasaway na superheroes!
Lodi League o Lodi Palpak?
Ang nakaraan ni Inang Kalikasan at Barda
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo rin mapanood ang magical stories ng award-winning fantasy show sa Pinoy Hits na available sa GMA Affordabox at GMA Now.