GMA Logo Daig Kayo ng Lola Ko, October 17
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Sunshine at Homer, mas makikilala ang isa't isa

By Aedrianne Acar
Published October 12, 2021 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sudden heavy downpour floods parts of Metro Manila, traffic flow slows down
#SONA2026 Business owners, experts welcome Marcos' proposed tax cuts
Ate, walang patawad kung manlait kay bunso | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo ng Lola Ko, October 17


Sundan ang part three ng magical story nina Sunshine (Pokwang) at Homer (Tonton Gutierrez) sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko,' ngayong Linggo ng gabi, pagkatapos ng '24 Oras Weekend.'

No choice ang mag-asawang Sunshine (Pokwang) at Homer (Tonton Gutierrez) na kailangang gawin ang kani-kanilang responsibilidad, habang nagkapalit sila ng katawan.

Si Homer na nasa katawan ni Sunshine, magiging abala sa mga gawaing bahay. Samantala, si Sunshine ay sasabak sa trabaho ng kanyang mister sa opisina.

Matutunan kaya nila na mas pahalagahan ang isa't isa ngayong nagkapalit sila ng katauhan?

Source: Daig Kayo Ng Lola Ko episode on October 17

At ang magkapatid na sina Martin (Paul Salas) at Carla (Shanelle Agustin), hawak ang dwarf friend ni Grandma Merlie (Frances Makil) na si Chuchay (Maey Bautista).

Magtagumpay kaya sila na mapilit si Chuchay na gamitin ang kanyang powers para magbati na ang kanilang mga magulang?

Huwag papahuli sa third episode ng “It's Not You, It's Me” sa Daig Kayo Ng Lola Ko, sa October 17 sa Sunday Grande sa Gabi.