
Dahil sa bangayan ng mag-asawang Sunshine (Pokwang) at Homer (Tonton Gutierrez), pinili ng magical friend ni Grandma Merlie (Frances Makil) na si Chuchay (Maey Bautista) na parusahan ang dalawa at pagpalitin ng katawan.
Ngayon si Sunshine, kailangan umastang lalaki na nasa katawan ni Homer at itong si Homer, kailangan maging ilaw ng tahanan, habang nasa katawan ni Sunshine.
Magawa kaya nang dalawa na maresolba ang kababalaghan na nangyari sa kanila?
Ano ang gagawin nila kung malaman ng mga mahal nila sa buhay na nagkapalit sila ng katawan?
Huwag palalampasin ang Part 2 ng kuwento na “It's Not You, It's Me” sa Daig Kayo Ng Lola Ko, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa October 10.