
Ramdam ang Christmas spirit sa bagong kuwento na hatid ng Daig Kayo Ng Lola Ko last Saturday night!
At base sa datos na nakalap ng NUTAM People Ratings, nakakuha ng 9.2 percent ang Christmas Story na "Joy to the World" na pinagbibidahan nina Herlene Budol at Faith Da Silva, mas mataas kumpara sa katapat nitong show.
Mortal na kaaway kung ituring ng Frio clan na kinabibilangan ni Empress Joy (Faith Da Silva) ang pamilya ni Princess Joy (Herlene Budol) na galing sa mga Fuego family.
Kahit ang powers nila na fire at ice ay kontra!
Pero magugulat ang dalawa nang magbabalik sa buhay nila ang pinsan nila na si Kathleen Joy (Rochelle Pangilinan).
Ano kaya ang nangyari kay Kathleen at bakit 'tila wala sa Frio at Fuego clan ang itinuturing siyang kadugo?
The rivalry of the JOY cousins
Here are more highlights from the Saturday night episode of Daig Kayo Ng Lola Ko.
JOY to the World
The meeting of two mortal enemies!
How to get the attention of a crush?
Get ready for my revenge plan!