GMA Logo Daig Kayo Ng Lola Ko 5th anniversary special
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: The evil plan of the Big Bad Wolf

By Aedrianne Acar
Published July 12, 2022 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Venezuela's Maduro willing to hold 'serious' talks with US
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko 5th anniversary special


Rumpelstiltskin (Jo Berry), Sea Witch (Cai Cortez), at Evil Queen (Rufa Mae Quinto), magpapakitang gilas bilang mga bida! Heto ang pasilip sa part-two ng 'Bida Kontrabida' story sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' this weekend.

From zero to hero ang mantra ng mga fairytale villain sa part two ng anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong July 17.

Sa pagpapatuloy ng magical adventure na 'Bida Kontrabida,' ililigtas nina Rumpelstiltskin (Jo Berry), Sea Witch (Cai Cortez), at Evil Queen (Rufa Mae Quinto) sina Princess (Lime Aranya) at Lola Caring mula sa kamay ng Big Bad Wolf (Andre Paras).

Bigo man ang tatlo na mahuli si Big Bad Wolf, magiging kaibigan naman nila si Princess na nangakong susulat ng bagong fairytale story tungkol sa kanilang kabayanihan.

Bukod pa diyan binigyan pa ng apo ni Lola Caring sila ng bagong pangalan bilang sina Cutie, Queenie, and Pearlie.

Daig Kayo Ng Lola Ko 5th anniversary special

Magawa kaya ng tatlo na protektahan ang pamilya ni Princess mula sa evil plan ni Big Bad Wolf o mas malaking problema ang kanilang haharapin nang malaman ng mga villain na may kumuha ng fairytale book ni Princess?

Mukhang masusubukan ang mga kontrabida-turned-bida natin na sina Rumpelstiltskin (Jo Berry), Sea Witch (Cai Cortez), at Evil Queen (Rufa Mae Quinto) this Sunday night!

Kaya walang bibitaw sa exciting kuwento ni Lola Goreng sa second part ng month-long anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.