
Magical ang Saturday night sa handog na mabubuting aral ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Kaya naman sinuklian ng viewers ang magandang kuwento ng weekly magical anthology, matapos ito makakuha ng 5.8 percent rating kontra sa katapat nitong show base sa datos mula sa NUTAM People Rating nitong September 13, 2025.
Ano nga ba ang hugot ng evil ghost na si Zita (Althea Ablan)?
Nalaman nina Willard (Will Ashley), Mikki (AZ Martinez), at Charlotte (Ashley Sarmiento) ang malungkot na nakaraan ng multo ng Hotel de Luma.
Si Zita (Althea Ablan) ay isang guest noon, ngunit namatay siya sa mismong hotel nang may tumama na malakas na lindol.
Nanatili ang kaluluwa niya sa hotel dahil hinahanap niya ang red teddy bear na ibibigay niya sana sa kaniyang kapatid.
Kaya naman kuha nang kuha si Zita ng mga teddy bear na pagmamay-ari ng mga guest sa Hotel de Luma at finally nakita niya ang hinahanap niyang stuff toy--ang red plushie na dala ni Charlotte.
Makatawid na kaya siya sa kabilang buhay ngayong nakita na niya ang teddy bear?
Tutukan ang finale sa Hotel de Luma sa video below!
For Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.