
Dream come true para sa hotel manager na si Grace (Sanya Lopez), ang pagdating ng robot oppa na si Yoon Bin (Gil Cuerva) na certified K-pop heartthrob.
Sinubukan din nito ang iba-iba niyang features, from oppa mode to goodbye mode, pati na rin bad boy mode.
Pero, magtagumpay kaya siya na ipakilala ang robot oppa niya sa ex niya na si Alex (Jon Lucas)?
Source: GMA Network
Ano ang mangyayari kapag makatakas ng bahay ni Grace si Yoon Bin para hanapin siya?
Sundan ang kilig at magic na hatid ng "Oh My Oppa" episode sa Daig Kayo Ng Lola Ko, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa November 14 sa nangungunang Sunday Grande sa Gabi.
Heto naman ang pasilip sa ilan sa hottest photos ng leading men ni Sanya sa "Oh My Oppa" na sina Derrick Monasterio at Gil Cuerva sa gallery sa ibaba.