
Tuloy-tuloy ang paghahatid ng magic nina Cutie (Jo Berry), Pearly (Cai Cortez), at Queenie (Rufa Mae Quinto) tuwing Sunday primetime, matapos makakuhang muli ang part-three ng 'Bida Kontrabida' story ng mataas na ratings last weekend.
Mas tinangkilik ng nakararaming viewers ang third part ng anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko nang makakuha ito ng 10 percent sa NUTAM People Ratings na higit na mataas sa katapat nitong programa.
Kaya para wala kayo ma-miss sa paborito n'yo na kontrabidas-turned-bidas, manood ng last part ng 'Bida Kontrabida' sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa darating na July 31, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.