GMA Logo Lolong #DaksSpotted
What's on TV

#DaksSpotted: Crocodile mascot na may abs, gumala sa Metro Manila para sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published August 8, 2022 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Volleyball Tournament - March 7, 2026 | NCAA Season 101
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention
PropertyGuru Philippines Property Awards introduces new categories this year

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong #DaksSpotted


Namataan ang crocodile mascot na may abs ng programang 'Lolong' sa ilang bahagi ng Metro Manila nitong weekend.

Isa na namang dambuhalang pakulo ang inihanda ng primetime action-adventure series na Lolong para sa mga masugid na manonood nito.

Nito kasing nakaraang weekend, isang crocodile mascot na may abs ang gumala sa ilang bahagi Metro Manila.

Namataan siya sa bandang EDSA kung saan kinagiliwan siya ng ilang commuters.

Ipinamalas din niya ang kanyang dance moves.

Nagawi rin ang crocodile mascot sa SM Mall of Asia.

Ilang batang Lolong fans din ang nagpa-picture kasama niya.

Ang sorpresang ito ay bahagi ng pasasalamat ng programang Lolong sa patuloy na suporta ng mga manonood sa serye.

Bukod diyan, namimigay din ng cash prizes araw-araw ang programa sa "Ready, Pangil, Smile! Lolong Selfie Contest."

Maaari ring makipag-duet kay Lolong lead star at Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid sa theme song ng serye ng "214" sa TikTok sa "Lolong 214 Duet Challenge."

Patuloy na panoorin ang lalong nagiging exciting na kuwento ng Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.